top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Batang babae natagpuang patay

  • BULGAR
  • Jan 3, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 3, 2023


CAMARINES SUR—Isang 12-anyos na batang babae ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Mambulo Nuevo, Libmanan.


Dahil menor-de-edad ang biktima, hindi na ito pinangalan ng pulisya.


Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima sa nasabing barangay.


Napag-alamang lumabas lang ng kanilang bahay ang biktima, pero hindi na ito nakauwi hanggang sa matagpuang ang bangkay ng biktima sa naturang lugar.


Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung biktima ng rape-slay ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page