top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang babae natagpuang patay

BULGAR
Oct 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 12, 2022


SAMAR—Isang 12-anyos na batang babae ang natagpuang patay kamakalawa sa matalahib na lugar sa Bgy. San Antonio, Basey.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Gellieca Lacaba, estudyante at nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa matalahib na lugar sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay si Lacaba nuong October 5, 2022 nang dumalo sa selebrasyon ng Teacher's Day sa pinapasukan niyang eskwelahan na Simeon Ocdol National High School sa nabanggit na lugar.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakatagpo sa bangkay ni Lacaba at inaalam din kung biktima ito ng rape-slay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page