top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Batang babae nalunog sa swimming pool

BULGAR
Nov 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 23, 2022


RIZAL—Patay ang 13-taong gulang na batang babae nang malunod sa swimming pool ng subdibisyon kamakalawa sa Bgy. San Juan, Taytay.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Samantha Azarcon, residente ng Antipolo City.

Ayon sa ulat, kasama si Azarcon ng kanyang pamilya na naligo sa swimming pool ng subdibisyon at habang naliligo sa ay nalunod ang biktima.


Kaagad sumaklolo ang mga kamag-anak ni Azarcon at dinala sa ospital ang biktima, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung may pananagutan sa pagkalunod ng biktima ang namamahala ng swimming pool sa nasabing subdibisyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page