top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang babae, nadaganan ng puno

BULGAR
Jun 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 18, 2022


ZAMBOANGA DEL SUR–Nasa kritikal na kalagayan ang isang batang babae nang madaganan ng puno ng niyog kamakalawa sa bayan ng Margosatubig.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima ay nabuwal ang puno ng niyog na dumagan sa batang babae na nasa loob ng kanilang bahay.


Kaagad namang sumaklolo ang mga residente at nailabas ang biktima sa kanilang bahay.


Nabatid na patuloy pa rin inoobserbahan sa pagamutan ang biktima na nagkaroon ng pinsala sa ulo at katawan dulot ng pagkakadagan ng puno ng niyog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page