Basurero, tinodas ng stepson

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 6, 2021
ISABELA—Isang basurero ang namatay nang saksakin ng kanyang stepson kamakalawa sa Bgy. Nagassican, Santiago City.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Francisco Gaco, 34-anyos, samantalang ang suspek ay si Resen Marquez, 25-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sina Gaco at Marquez na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi sa ospital si Gaco pero idineklara itong dead-on-arrival.
Naaresto naman ng mga nagrespondeng pulisya si Marquez na nahaharap sa kasong homicide.



Comments