Barbero, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | May 29, 2022
ALBAY – Isang barbero na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Mariroc, Tabaco City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Alberto Bonavente, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nasabing barangay at dito nadakip ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Bonavente.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments