Barbero tiklo sa shabu
- BULGAR
- Aug 8, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 8, 2022
MASBATE—Isang barbero ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ito ng shabu kamakalawa sa Pasig, Claveria.
Ang suspek ay nakilalang si Gregorio Necesario, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay at dito nadakip si Necesario.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sampung gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments