top of page
Search
  • BULGAR

Barangay treasurer, tepok sa ratrat

@Balitang Probinsiya | January 18, 2022


ABRA–Patay ang isang barangay treasuret nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Lagangilang.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Fidel Lalugan, treasurer ng Bgy. Lan-ag, Lacub sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, lulan si Lalugan ng tricycle nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page