top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Barangay secretary, nilikida

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 18, 2021



MASBATE—Isang barangay secretary ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Del Carmen, Uson.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Ronelo Sartin, residente ng Bgy. Malatawan, Palanas sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Sartin nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.


Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page