top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bank employee, tinodas ng laborer

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 2, 2023


PALAWAN—Isang bank employee ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang nakaalitang laborer, kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Renald Ferriol, samantalang ang suspek ay si Hernan Lopez, kapwa nasa hustong gulang, at parehong nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Ferriol at Lopez na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page