top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bangkay ng mangingisda natagpuan

BULGAR
May 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 13, 2022


CATANDUANES – Isang 50-anyos na mangingisda ang natagpuang patay kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Salvacion, Baras sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Pacifico de Sevilla, residente ng nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang mangingisda ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing karagatan.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, huli umanong nakitang buhay si De Sevilla habang lulan ng kanyang bangka at nangingisda sa naturang dagat.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung aksidenteng nahulog sa dagat kaya nalunod ang biktima o kung may foul play na naganap sa pagkamatay ni De Sevilla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page