top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Bangkay ng mangingisda natagpuan

  • BULGAR
  • Apr 30, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 30, 2022


AKLAN – Isang bangkay ng mangingisda ang natagpuan kamakalawa sa baybaying-dagat ng Bgy. Bel-is, Buruanga sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jose Flores, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa baybaying-dagat ng nasabing barangay.


Huli umanong nakitang buhay ang biktima na lulan ng kanyang bangka para mangisda sa dagat.


Inaalam na ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima o kung nalunod ito sa dagat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page