Bangkay ng magsasaka, lumutang sa ilog
@Balitang Probinsiya | August 24, 2022
BENGUET—Isang bangkay ng magsasaka ang natagpuang nakalutang kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Sinacbat, Bakun.
Nakilala ang biktima na si Mateo Dal-it, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing ilog.
Kaagad ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya ang tungkol sa pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung namatay sa lunod o may foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments