top of page
Search
  • BULGAR

Bangkay ng lola, natagpuan sa highway

@Balitang Probinsiya | September 26, 2020



AGUSAN DEL NORTE—Isang hindi kilalang lola natagpuang patay kamakalawa sa national highway ng Las Nieves.


Sa ngayon ay kinikilala pa ang biktima na tinatayang nasa pagitan ng 65-70 ang edad.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gitna ng kalsada.


Kaagad ini-report ng mga saksi sa pulisya ang pagkakatagpo sa bangkay ng lola at sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong nasagsaan o nahulog sa sasakyan ang biktima.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang naka-aksidente sa biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page