Bangkay ng lola, natagpuan sa balon
- BULGAR

- Oct 18, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 18, 2020
LA UNION—Isang 64-anyos na lola ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa balon ng Bgy. Ili Sur, San Juan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marilyn Gaetos, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na tatlong araw na umanong hindi umuuwi sa kanilang bahay si Gaetos kaya ini-report na ng kanyang mga kamag-anak sa awtoridad ang pagkawala ng biktima.
Nabatid na makalipas ang ilang araw na paghahanap ay natagpuan ng mga mga residente ang bangkay ng biktima na nakalutang sa balon.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung aksidenteng nahulog sa balon at nalunod o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.


Comments