Bangkay ng lalaki, natagpuan sa kulungan ng baboy
@Balitang Probinsiya | June 28, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa lumang kulungan ng baboy sa Bgy. 6, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Junel Aligada, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng lalaki sa naturang lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na may apat na tama ng bala ang biktima.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa nasabing krimen.



Comments