Bangkay ng kelot, natagpuan sa ilog
@Balitang Probinsiya | May 23, 2023
PALAWAN—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Irawan, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Ardy Casuncad, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa naturang ilog.
Walang nakita ang pulisya na sugat sa ulo at katawan ng biktima.
Patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments