Bangkay ng kelot lumutang sa sapa
- BULGAR
- Nov 25, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 25, 2022
AKLAN—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan kamakalawa na nakalutang sa sapa na sakop ng Bgy. Ogsip, Libacao.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Enrile Zorca, 39-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakalutang sa sapa.
May hinala ang mga awtoridad na maaaring nahulog habang tumatawid sa tulay ang biktima kaya nalunod ito sa sapa.
Gayunman ay patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid kung may naganap na foul play o pagkalunod lang ang ikinamatay ng biktima.



Comments