top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bangkay natagpuan sa bangin

BULGAR
May 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 12, 2022


CAVITE – Isang bangkay ng magsasaka ang natagpuan kamakalawa sa bangin na sakop ng Bgy. San Francisco, General Trias sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Mack Espiritu. nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay posible umanong aksidenteng nahulog sa bangin ang biktima habang naglalakad.


Gayunman ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para matiyak na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page