Bahay tinupoy ng apoy
@Balitang Probinsiya | September 17, 2022
AKLAN—Isang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Venturanza, Banga.
Ang nasunog na bahay ay pag-aari ng pamilya Eleserio na pawang residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita ng mga residente sa naturang lugar na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Eleserio, kaya agad silang tumawag ng bumbero.
Napag-alamang nakaresponde agad ang mga bumbero, kaya hindi na nadamay pang masunog ang ibang kabahayan sa naturang barangay.
Nabatid na walang tao nang maganap ang sunog sa bahay ng pamilya Eleserio at sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.



Comments