Bahay ng lola, nasunog
@Balitang Probinsiya | January 22, 2022
CAPIZ–Isang bahay na pag-aari ng isang lola ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Conchita, Roxas City.
Ang bahay na nasunog ay pag-aari ni Yolanda Altavas, 65-anyos, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, walang tao sa bahay ng lola nang biglang sumiklab ang sunog at sa pagresponde ng mga bumbero ay mabilis din na naapula ang apoy
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.



Comments