Bahay, nasunog dahil sa upos ng sigarilyo
@Balitang Probinsiya | June 26, 2022
CAMARINES SUR—Isang bahay ang tinupok ng apoy dahil sa upos ng sigarilyo kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Naga City.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay na nasunog.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa nasabing bahay at dahil gawa ito sa light materials ay mabilis natupok ng apoy ang tahanan.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang ang sanhi ng sunog ay ang upos ng sigarilyo na itinapon sa lumang kagamitan na nakaimbak sa labas ng nasabing bahay.



Comments