Bagitong tulak tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | September 28, 2022
AKLAN—Isang binatang bagitong drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Joyao-Joyao, Numancia.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Mark Wendel Nahil, 21-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Nahil kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing barangay ay dito nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments