Bagitong pusher, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | January 09, 2022
CAPIZ–Isang bagitong drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. VI, Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronilo Sulam, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. III sa nabanggit na lungsod.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Sulam ay agad nila itong inaresto.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments