top of page

Bagets, tinadtad ng saksak

  • BULGAR
  • Jun 23, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 23, 2022


PALAWAN–Patay ang 17-anyos na binatilyo nang tadtarin ng saksak ng mga hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. San Jose, Puerto Princesa City.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng tama ng saksak sa katawan na si Tristan Madera, nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Madera kasama ang kanyang mga kaibigan nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagsasaksak ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page