Bagets, natagpuang patay sa talahiban
@Balitang Probinsiya | May 4, 2023
SORSOGON—Isang bangkay ng 17-anyos na binatilyo na may mga tama ng taga sa katawan ang natagpuan, kamakalawa sa matalahib na lugar sa Bgy. Barayong, West District, Sorsogon City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Ivan Bosquillos, residente ng Bgy. Guinlajon sa nasabing lungsod.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, kasama ni Bosquillos ang apat niyang kaibigan nang harangin sila ng dalawang hindi kilalang lalaki na armado ng mga itak at sa takot ay nagtakbuhan ang mga kasama ng biktima at naiwan ito sa nasabing lugar.
Dahil dito, may hinala ang pulisya na ang dalawang armadong lalaki ang pumatay sa biktima at sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.



Comments