Bagets natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | August 21, 2022
SOUTH COTABATO—Isang hindi kilalang binatilyo ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Upper Sepaka, Surallah.
Sa tantiya ng mga awtoridad ay nasa pagitan ng 16-17 ang edad ng biktima.
Ayon sa ulat, ilang residente ang makatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar.
Nabatid na agad ini-report ng mga residente sa pulisya ang pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng kamatayan ng binatilyo.



Comments