top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagets, nalunod sa ilog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 20, 2023


AKLAN -- Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Alaminos, Madalag sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jayson Abang, residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, naligo umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog, pero nagawi ito sa malalim na bahagi ng tubig kaya ito nalunod.


Napag-alaman na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan ang biktima na lumubog sa ilog.


Nabatid na lumipas pa ang ilang oras bago natagpuan ang binatilyo nang lumutang ang bangkay nito sa ilog.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page