Bagets na tulak, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | January 16, 2022
CAMARINES NORTE–Isang 16-anyos na binatilyong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tugos, Paracale.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na residente sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 0.5 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments