Bagets na rider, kritikal sa van
@Balitang Probinsiya | August 2, 2022
CAMARINES SUR—Isang 17-anyos na binatilyong rider ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa van kamakalawa sa Bgy. Pinot, Ocampo.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima, samantalang ang driver ng van ay si Ruben Degara, 52-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, paliko sa kalsada ang van na minamaneho ni Degara nang bumangga dito ang motorsiklong minamaneho ng biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima at ginagamot na siya sa ospital.
Samantala, sinampahan na ng pulisya si Degara ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments