top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bagets na most wanted, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 14, 2023



CAPIZ -- Isang 17-anyos na binatilyong most wanted ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Alayunan, Maayon sa lalawigang ito.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng binatilyong rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Hindi naman nanlaban ang suspek na ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page