top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bagets na killer, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 18, 2021



AKLAN—Isang 17-anyos na killer ang kusang sumuko sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Linabuan Norte, Kalibo.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na residente ng Bgy. Agbalogo, Makato sa nasabing lalawigan.


Nabatid na sangkot ang suspek sa pagpatay sa biktimang si Ariston Ortiz noong Hunyo 2020 sa Kalibo.


Ayon sa suspek, nakonsensiya siya sa kinasangkutan niyang krimen kaya nagkusa na siyang sumuko sa mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng pulisya at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page