top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bagets na kawatan nasakote

BULGAR
Sep 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 17, 2022


ALBAY—Isang binatilyong notoryus na magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tagas, Daraga.


Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek matapos na ireklamo ito ng isang residente na ninakawan niya ng isang mountain bike.


Ayon sa ulat, maraming kaso ng pagnanakaw sa lalawigan ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page