Backrider nalunod sa ilog
- BULGAR
- Sep 25, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 25, 2022
ISABELA—Isang babaeng backrider ng motorsiklo ang namatay nang mahulog sa tulay at malunod sa ilog ng Bgy. Cansan, Cabagan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Marilyn Masiddo, 30-anyos, nakarira sa Bgy. San Rafael Alto, Ato. Tomas sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nakaangas si Masiddo sa motorsiklong minamaneho ni Rody Agabbao, nasa hustong gulang ay aksidente itong bumangga sa gilid ng tulay at dahil d'yan ay nahulog ang biktima patungo sa ilog.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.
Nabatid na makalipas ang ilang oras na paghahanap ay nakita rin si Masiddo, pero patay na ito nang maiahon sa ilog.



Comments