top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Backrider na lolo, dedo sa semplang

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2024

QUEZON -- Isang 60-anyos na lolo na backrider ang namatay at sugatan naman ang rider nang sumemplang ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Isabang, Lucena City sa lalawigang ito.

 

Ang nasawi ay kinilala lang sa pangalang “Lolo Elias” samantalang hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang driver ng motorsiklo habang ginagamot ito sa ospital.

 

Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver ng motorsiklo sa pagmamaneho habang kaangkas si “Lolo Elias” kaya sumemplang sila sa nasabing barangay.

 

Nabatid na nagtamo ng malaking sugat sa ulo at katawan ang mga biktima dahil sa aksidente.

 

Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang lolo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page