Babaeng pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | October 16, 2022
CEBU—Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ibo, Lapu-Lapu City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rosell Alda, 42-anyos, residente ng Consolacion sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 kilo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments