Babaeng pusher, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | June 21, 2022
LUCENA CITY–Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam.
Kinilala ang suspek na si Lilibeth Ebreo, 37-anyos, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments