top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Babaeng opisyal ng NPA nasakote

BULGAR
Sep 5, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 5, 2022


CAPIZ—Isang babaeng opisyal ng New People's Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sibaguan, Roxas City.


Ang suspek ay nakilalang si Lenilyn Jayros, alyas Ka Sandra, 45-anyos, Regional Finance Officer ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.


Nabatid na may nag-tip sa mga awtoridad sa kinaroroonan ni Jayros, kaya agad itong pinuntahan at inaresto ng mga operatiba.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga operatiba ng dalawang .45 pistola, mga bala, tatlong granada at mga subersibong dokumento sa pag-iingat ng suspek.


Patuloy pa rin ang isinasagawang taktikal na interogasyon ng mga awtoridad kay Jayros para madakip pa ang mga kasamahan nitong NPA sa nasabing lalawigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page