Babaeng negosyante, todas sa gunman
@Balitang Probinsiya | February 22, 2022
NUEVA ECIJA–Patay ang isang negosyante nang pagbabarilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Singalat, Palayan City.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Candida Panta, nasa hustong gulang, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang kakuwentuhan ni Panta ang dalawa niyang kaibigan sa loob ng karinderya ay biglang sumulpot ang suspek at pagkaraan ay pinagbabaril na ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments