Babaeng HVT sa droga, arestado
@Balitang Probinsiya | January 31, 2022
CAMARINES SUR–Isang babaeng HVT (high value target) na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sta. Lucia, Magarao.
Kinilala ang suspek na si Sheena Bazar, nasa hustong gulang at residente sa naturang bayan.
Napag-alamang nagsagawa ng drug-bust operation sa nasabing barangay at dito nadakip ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments