Babaeng drug pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | September 20, 2022
ALBAY—Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. 42-Rawis, Legazpi City.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek na 42-anyos habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit isang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments