Babaeng angkas ng motorsiklo, dedo sa bus
@Balitang Probinsiya | February 21, 2022
SORSOGON–Isang 24-anyos na babaeng angkas sa motorsiklo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus kamakalawa sa Bgy. Trece Martirez, Casiguran.
Ang nasawi ay nakilalang si Jean Erika Agapay, samantalang nasugatan naman sa aksidente ang kaibigan nitong nagmamaneho ng motorsiklo na si Kristel Tabar, 25-anyos, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng bus na minamaneho ni Ven Niebres kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Agapay, samantalang ginagamot na sa ospital si Tabar.
Samantala, nakapiit na si Niebres na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments