top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Babae, huli sa akto sa P1M shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | October 22, 2026



26 anyos na babae arestado sa 150-gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 - PNP-SPD

Photo: PNP-SPD



Nasamsam ng awtoridad sa 26-anyos na bebot at kasamang lalaki ang nasa mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa lungsod ng Taguig Martes ng gabi.


Isinagawa ng mga tauhan ni Southern Police District Director P/BGen. Rodel Pastor ang operasyon laban sa mga suspek nang makipagtransaksiyon ang dalawa, alas-7:25 ng gabi sa isang operatiba ng District Drug Enforcement Unit sa Brgy. Hagonoy, Taguig.


Tinanggap ng suspek na babae na si alyas Patty ang markadong salapi, kapalit ng ibinentang isang sachet na naglalaman ng umano'y shabu at dito na hinuli ng mga pulis na nakamasid sa paligid, pati na ang 24-anyos na kanyang kasamang si “Weng.”


Nakuha sa dalawa ang kabuuang 150-gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 pati na ang markadong salapi na ginamit sa operasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page