top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Armadong tanod, tiklo sa dance party

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 22, 2023


AKLAN -- Isang barangay tanod ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril kamakalawa sa dance party sa Bgy. Angas, Batan sa lalawigang ito.


Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Reynante Abayon, 38, at residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng kaguluhan sa dance party sa nasabing barangay, kung saan inilabas ni Abayon ang dala niyang kalibre 38. revolver at tiyempong nagresponde ang mga pulis at sinita ito kung dokumentado ang kanyang armas.


Nang walang maipakitang kaukulang dokumento ay agad dinisarmahan at dinakip ng pulisya si Abayon.


Nakapiit na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page