Search
  • BULGAR

Armadong kelot, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | February 28, 2021


SORSOGON—Isang armadong lalaki ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. San Rafael, Prieto Diaz.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Bonifacio Betito, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Betito dahil sa impormasyong may itinatago itong baril, pero imbes na sumuko at biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.