Armadong kelot tiklo sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | January 19, 2022
NUEVA ECIJA–Isang lalaking armado ng baril ang dinakip kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Poblacion East, Pantabangan.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Percival Miranda, nasa hustong edad at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na napadaan si Miranda sa police checkpoint at nang kapkanan ay nakumpiskahan ito ng .45 pistola at mga bala.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa gun ban ng Comelec.



Comments