top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Armadong kelot nakapuga sa raid

BULGAR
Sep 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 23, 2022


AKLAN—Isang armadong lalaki ang nakatakas sa isinagawang raid ng pulisya kamakalawa sa bahay nito sa Bgy. Balabag, Malay.


Kinilala ang suspek na si Marvin Sibulan, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may mga armas sa bahay ni Sibulan kaya sa pamamagitan ng search warrant ay sinalakay ito, pero nakatakas ang suspek.


Gayunman, nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala at granada sa bahay ni Sibulan.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang suspek upang sampahan ng kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosives.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page