top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Armado, dedbol sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 3, 2020


CAGAYAN—Napatay ang isang armadong lalaki nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Pina Weste, Gattaran.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Mavin Llapitan, residente ng Bgy. Pengue Ruyu, Tuguegarao City.


Ayon sa ulat, isang residente ang nag-report sa pulisya na may dalawang lalaki na kinabibilangan ni Llapitan na kapwa armado na naka-istambay sa waiting shed sa nasabing lugar.


Kaagad rumesponde ang pulisya, pero nang makita ng mga suspek ang mga awtoridad ay agad nagpaputok ng baril kaya napilitan ang mga operatiba na gumanti ng putok kaya napatay si Llapitan at nakatakas naman ang kasama nito.


Inaalam na ng pulisya ang pagkatao ni Llapitan at kasama nito kung bakit armado sila ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page