Armado, dedbol sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | February 08, 2022
NUEVA ECIJA–Patay ang armadong lalaki nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. San Fernando Norte, Cabiao.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Aldrin Manalang, 33-anyos, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
Nabatid na napadaan sa police checkpoint si Manalang, pero imbes na huminto ay pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments