Apo minolestiya ng lolo
@Balitang Probinsiya | May 4, 2022
DAVAO DEL SUR – Isang 61-anyos na lolo ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pangmu-molestiya umano sa kanyang dalagitang apo kamakalawa sa Digos City sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang mga pamilya ay hindi na pinangalanan ang suspek at ang biktima na kapwa nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa 15-anyos na dalagita, hinawakan umano ng kanyang lolo ang maselang parte ng kanyang katawan.
Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang ina kaya ipinahuli ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at child abuse.



Comments